Hindi madaling linisin ang ash fall dahil mas lalo itong mamumuo at titigas na mas nagpapabigat sa abo o buhangin. Ang best na paraan ay konti o light lamang muna ang buhos ng tubig para madaling walisin. Pero mas maraming tubig ang kakailanganin sa rami ng alikabok. Bago pa umulan ay kailangan malinis na ang ash particles.
Tandaan ang mga ash fall ay matutulis na maliliit na bato kaya kailangang mag-ingat. Gumamit ng vaccum sa pagtanggal ng abo, pero huwag pupunasan ang ash fall dahil nga matalas ito na puwedeng magasgasan ang inyong kotse o gamit sa bahay.
Linisin ang bubong para mabawasan ang alikabok at hindi masira ang gutter o bumara sa pipes; para hindi rin bumagsak ang bubong. Ilagay sa sako hanggang maaari ang abo at iselyo ito. Huwag itatapon sa kanal ang ash fall na tiyak ay magbabara ito sa dalauyan ng tubig. Maaaring ipaalam sa iyong barangay sa mga naipong abo.