Ang pag-ulan ng abo o ash fall ay mapanganib sa kalusugan. Masama ang epekto ng ash fall sa mga indibidwal lalo sa bata, matatanda, buntis, at may sakit dahil sa mga nalalanghap na abo mula sa paligid na nililipad ng mga sasakyan.
1. Nangangati ang mga mata, ilong, balat
2. Sumasakit ang lalamunan
3. Inaatake ng hika
4. Matindi ang pag-ubo
5. Hirap huminga
6. Mapanganib sa may kanser
7. Mapanganib sa may TB
Gumamit ng dust mask o pantakip ng ilong at bibig upang maproteksyonan ang sarili.