Australian teenagers kanya-kanyang rescue sa mga koala
Kasalukuyan pa ring nasusunog ang bansang Australia. Mula September, nasa kalahating bilyon na ang bilang ng mga hayop na biktima ng bushfires.
Ilan sa pinakanaapektuhan ay ang koala population.
Ganun pa man, dahil sa sitwasyon ngayon ng nasabing bansa ay marami rin ang gustong tumulong na maituturing nating everyday heroes. Kabilang sa mga ito ang teenagers na sina Micah at Caleb.
Ang magpinsan ay tumungo papuntang Kangagoo Island para mag-rescue ng mga koala na inilagay nila sa kanilang sasakyan.
Aalagaan nila ang mga ito hanggang safe na silang ibalik sa kagubatan.
Ayon kina Micah at Caleb, 60% ng mga koala sa Kangaroo Island ay namatay dahil sa sunog.
“A university in Sydney estimates that near 500 million animals have been killed by the fires since September. Half a billion. So many of our animals, wombats, koalas, crocs, platypus, etc. are endangered or threatened species. I don’t think people understand the scale of that number. I’m not sure if our country’s ecosystem and biosphere will recover from this, I really don’t,” sabi naman ni Ben Jameson na nakatira sa Gold Coast malapit sa Brisbane.
- Latest