Karaniwang kuwento na sa overseas Filipino workers ang pagpapadala sa ‘Pinas nang pinaghihirapang pera. Iniisip na best na desisyon ang pagbibigay ng pera sa pinagkakatiwalaang pamilya na inaakalang pinakamagandang gawin.
Totoo naman ito, kaya nga nag-abroad para may pangtustos sa pamilya. Ang pagkakamali lamang ay hindi napapagplanuhan ang budget ng pamilya. Sa malas, ang pinagkakatiwalan ng OFW ay nauubos din ang lahat ng remittance na natatanggap.
Hindi maiialis na magagastos lahat ng perang natatanggap, pero dapat maisip ng parehong side na mag-invest kahit paunti-unti. Malaking factor ang pag-iipon mismo ng OFW upang hindi tuluyang malustay ang kanyang pinaghirapang suweldo.
Kailangan pahalagahan ng pamilya ng OFW ang bawat perang natatanggap.
Mabilis lang lumipas ang panahon na hindi namamalayan na pauwi na ang OFW. Sana man pagbalik ng ‘Pinas ay magkaroon ng komportable na buhay ang pamilya.