Payo ng mga experts na gawing maganda, efficient, malinis, at green place ang ating kabahayan ngayong 2020. Ang isa sa best na paraan upang hindi maging magastos na ayusin ang bahay ay tanggalin ang mga kalat.
Taun-taon ay natatambak ang mga stuff. Kung walang regular na cabinet ay nagiging bundok ang kalat. Kapag tambak ang gamit ay nagmumukhang marumi at makalat ang bahay.
Ang solusyon sa bawat kuwarto ay alisin ang mga bagay o damit na hindi na ginagamit na puwede nang i-donate. Lalo na ang may lamat o basag na baso o pinggan.
Puwedeng maglaan ng basket o box, pero maging creative para maging maganda ang design. Lagyan lamang ng mga items na nagpapataas ng energy level ang bahay.