HIV window period
Ang HIV ay isang virus na sumisira sa immune system na maaaring mag-develop sa AIDS.
Ayon sa Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS), ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa pinakamabilis na pagdami ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa buong mundo.
Sa oras na nahawaan ng HIV, kumakalat na ito sa katawan. Ang immune system ng tao ay nagre-react sa antigens (bahagi ng virus) sa pamamagitan ng pagpo-produce ng antibodies (cells na lumalaban sa virus).
Ang panahon mula nang ma-expose sa HIV hanggang maging detectable ito sa dugo ay tinatawag na HIV window period. Karaniwang nade-develop ang detectable HIV antibodies sa loob ng 23 hanggang 90 days pagkatapos mahawa.
Kung magpapa-HIV test ang isang tao sa loob ng window period, malamang na maging negatibo ang resulta nito. Pero maaari pa rin nilang maipasa ang virus sa iba sa window period.
Kung sa tingin mo ay na-expose ka sa HIV pero nag-negative ang resulta, kailangang ulitin ang test pagkalipas ng ilang buwan para makumpirma.
At habang ‘di pa sigurado, ipinapayong gumamit ng condom sa pakikipagtalik para hindi maipasa ang HIV.
Ipinapayong kumonsulta sa pinagkakatiwalaang doctor kung hinihinalang na-expose sa HIV.
(source:https://www.healthline.com)
- Latest