Dear Vanezza,
Guwapo, mayaman, at graduate na ng physical therapy ang manliligaw ko. Pinag-aral siya uli ng parents niya dahil may negosyo ang pamilya niya. Kaso ang laki ng agwat namin dahil 28 years old na siya at ako ay 20 years old. Mukha na siyang tatay. Pero pangarap ko rin maging doktor kung papalarin. Maghihintay daw siya kahit pinagtatabuyan ko na. Long hair ako ‘di ba, pero hindi ko siya type dahil mukha na siyang may anak. Ano ba gagawin ko sa mokong na yun? - Mariel
Dear Mariel,
Kung pinagtatabuyan mo na at hindi pa rin sumusuko, hayaan mo na lang siyang magsawa. Basta mag-concentrate sa iyong pangarap.
Sumasainyo,
Vanezza