Ang HIV ay variation ng virus na nag-i-infect sa mga African chimpanzees o unggoy. Suspetsa ng mga scientists, ang simian immunodeficiency virus (SIV) ay lumipat mula sa mga unggoy papunta sa mga tao nang kinain ng mga tao ang mga infected na unggoy. Nang masalin sa mga tao, ang virus ay nag-mutate at naging HIV.
Sinasabing nangyari ito noong 1920s. Kumalat ang HIV sa mga tao sa Africa sa loob ng ilang dekada at naisalin na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unang nadiskubre ng mga scientists ang HIV sa human blood sample noong 1959. Tinatayang ang HIV ay nasa United States na noon pang 1970s ngunit nagkaroon lamang ng public consciousness noong 1980s.
Sanhi ng AIDS - Ang sanhi ng AIDS ay HIV. Hindi magkaka-AIDS ang isang tao kung hindi ito nahawahan ng HIV.
Ang HIV ay isang virus na sumisira sa immune system.
Ang isang healthy na tao ay may CD4 count na 500 to 1,500 per cubic millimeter.
Kung walang treatment, patuloy na dadami ang HIV at tuluyang mauubos ang CD4 cells.
Ang CD4 cells na tinatawag ding CD4+ T cells ay mga white blood cells na lumalaban sa infection. Mas maraming CD$ cells, mas mainam. Kung bababa ang CD4 count ng isang tao sa below 200, ibig sabihin ay may AIDS na ito.
At kung ang isang taong may HIV ay magkakaroon ng opportunistic infection na may kinalaman sa HIV, maaari silang ma-diagnose ng AIDS kahit na above 200 ang kanilang CD4.