Pagbabagong gustong makamit sa bansa ngayong 2020

“Para sa akin, sana magkaroon na ng proper waste management ang lahat ng lugar sa bansa lalo na ang Metro Manila. Nakikita ko naman ang effort ng lcoal goverment sa issue na ito pero sa tingin ko kailangan nila itong mas higpitan at tutukan.” Edward, Manila

“Sana mawala na ang mga corrupt na official ng government. Sana magbago na sila at maging tapat sa kanilang tungkulin. Para sa atin din naman yan. Sana ‘wag nilang solohin. Napag-iiwanan na ang Pilipinas lalo na sa transportas­yon. Grabe ang mga tren sa ibang bansa samantalang dito sa atin ay tumitirik at siksikan pa. Sana rin ay maglagay sila ng malinis na public toilette.” Sergio, Pangasinan

“Sana magkaroon tayo ng maganda at malaking amusement park tulad ng makikita mo sa ibang bansa tulad ng sa Japan, Singapore at Hong Kong. Hehehe. Sa totoo lang, yun kasi ang dinadayo sa kanila. Sa bagay, mayroon naman tayong mga beach sa atin. Isa pang gusto kong mangyari, sana alagaan ang mga magagandang lugar dito sa atin.” Iggy, Laguna

“Sana magkaroon na tayo ng pagmamahal sa kalikasan. Kung hindi natin ito magawa sa kapwa natin, kahit man lang sana sa ating kalikasan na siyang nagbibigay buhay sa atin. Kung wala ang kalikasan, wala tayo. Sana ‘yung mga simpleng bagay tulad ng pagtatapon ng kalat sa tamang tapunan ay matutunan natin.” Lorenz, Quezon City

“Kapayapaan lang ang gusto ko saka sana magkaisa tayo tulad ng pagkakaisa kapag mayroong sakuna. Sana rin ay makaahon ang mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng mga sakuna.” Mael, Manila

Show comments