Pagbabagong gustong makamit sa bansa ngayong 2020
“Sana may solusyon na sa trapik. Kahit saan lugar sa ‘Pinas ay sobrang traffic. Bakit hindi na lang ipadaan sa dagat ang mga container at malalaking sasakyan para mabawasan ang trapik.” - Mel, Pasig
“Sana tanggalin na ang Train law. Dahil diyan ang daming nawalan ng trabaho na apektado sa pagtaas sa tax. Apektado rin ang mga kompanya at pati na rin ang pagtaas ng bilihin.” - Bam, Makati
“Magkaroon ng trabaho para sa lahat. Para wala nang adik sa ‘Pinas. Sana may programa rin kung paano magbigay ng trabaho sa mga sumuko nang naging adik dati.” - Jaycee, Sta. Cruz
“Baguhin ang sistema sa pambuplikong ospital. Inaabot ng maghapon sa pila ang mga pasyente. Kawawa naman ang mga bata at matatanda.” - Gracee, Abad Santos
“Sana tumaas ang suweldo ng mga manggagawa. Dahil sa Train law ay nalulugi ang mga negosyo. Bukod tanging ang mga foreign investors lang ang nakikinabang na kayang magbayad ng malaking tax. Ang mga negosyo ng mga Pinoy ay tinamaan pa ng train law na tumaas lahat ng presyo ng mga materyales.” - Resie, Mandaluyong
- Latest