Hindi lang dapat puro sarap ang kailangan iniisip sa pagharap ngayong 2020. Kailangan ay matutunan din na magsakripisyo ng kahit konti.
Kailangan ay mag-set ng fasting ng isang beses sa loob ng isang buwan. Ang isang sikat na uri nito ang intermittent fasting. Kung sa inyong simbahan ay pina-practice ito ay mas magandang makilahok. Ang fasting ay nagtuturo ng self-control, self-denial, sacrifice, at mindfulness. Ang pag-aayuno ay nagtuturo na labanan ang tukso at para ma-build up ang resilience. Upang magkaroon ng awareness na malaki ang benepisyo ng mind, body, at spirit.
Yakapin din ang “do it now” na mind-set. Magkaroon ng mantra na gawin ang magagawa ngayon at huwag nang ipagpabukas pa. Para matutunan na laging tapusin ang nasimulan upang maitama ang mga magagawa sa pag-welcome ngayong 2020.