“Next year gusto ko nang maging cool. Ayaw ko ng nagagalit. Hindi na ako magpapadala sa stress at pressure!” - Jenine, Bohol
“Ako, hindi na mag-set ng resolution. I just go with the flow, kung saan ako dadalhin ng journey sa 2020. Para hindi ako masyadong madismaya. - Marie, Malate
“Babalik ako sa school uli, mas magiging matapang ako, para hindi na ako ma-bully.” - Jacky, Malabon
“By God’s will gusto ko sana mag-abroad para mas kumita nang mas malaki. Kaysa rito na maliit ang sahod, kawawa naman pamilya ko.” - Danillea, Tondo
“Goal ko next year, hindi na ako mali-late sa work! Magbabagong buhay na ako!” – Jamie, Tanza
“Huwag na, hindi kailangan ng resolution. Basta ibibigay ko lang ang best ko kahit anong gagawin ko sa buhay. Sapat nang magpasalamat sa bawat araw na magigising ako sa buong taon ng 2020,” - Lenie, Manila