Paano nahahawa ng HIV?
Lahat ay maaaring mahawa ng HIV. Ang virus ay naipapasa sa pamamagitan ng mga likido sa ating katawan tulad ng dugo, semen, vagina at rectal fluids at breast milk.
Ang mga paraan para mahawa ay sa pamamagitan ng vaginal o anal sex na siyang pinakakaraniwan, paggamit ng mga nagamit nang karayon, syringes o iba pang ginagamit sa injection o pagta-tattoo, panganganak, pagle-labor, pabi-breast feeding, pagsubo ng ngunuyang pagkain sa iba, exposure ng dugo ng taong may HIV.
Maaari ring maipasa ang virus sa pamamagitan ng blood transfusion o organ at tissue transplant kaya kailangan ng masusing testing para sa HIV ng dugo, organ, at tissue donors.
Hindi karaniwan ngunit posible ring maipasa ang virus sa pamamagitan ng oral sex kung walang bleeding gums o open sores sa bibig, makagat ng taong may HIV kung ang laway ay may dugo o may open sores sa bibig at contact sa dugo ng taong may HIV.
Hindi naipapasa o nahahawa ang HIV sa skin-to-skin contact, pagyakap, pakikipagkamay o paghalik, hangin o tubig, pagsi-share ng pagkain o inumin, laway, luha o pawis maliban na lang kung nahaluan ng dugo, pagsi-share ng tuwalya o beddings, kagat ng lamok o iba pang insekto. (source:https://www.healthline.com)
- Latest