Tatay bitter kasama

Dear Vanezza,

Hiwalay ang magulang ko at gusto ng tatay ko na makasama kaming magkapatid ngayong Pasko, pero ayaw ng kuya ko. Hindi ko siya masisisi dahil bitter kasama ang tatay ko na panira ng maganda sanang mood kahit kailan. Hindi naman sila in good terms ng nanay ko na naiintindihan din namin kung bakit ayaw niyang kausap ang tatay namin. Ako tuloy ang naiipit, miss ko ang tatay ko, pero madalas mas maganda pang tahimik na lang kami, kaysa magkasama nga kami tapos maglalasing lang si tatay kahalubilo ang kaibigan niya. Ano po ang gagawin ko?

Cesar

Dear Cesar,

Puwede naman makasama si tatay, pero sabihin sa kanya na basta ba hindi muna siya maglalasing. Para maging happy ang lahat, saka na lang kamo siya mag-inom kapag wala na kayo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments