Cash o gift na gustong matanggap ngayong Pasko
“Well, para sa akin mas okay pa rin ang regalo. Kasi diba kumbaga customized siya. Eh kasi pag pera parang hindi na pinag-isipan. Ayun. Mas okay pa rin talaga yung magbubukas ka ng regalo.” Rey, Pangasinan
“Aminado ako gusto ko pera. Para masunod yung gusto kong bilin. Minsan kasi mali yung mga size eh. Saka mas makakapili ako na design na gusto ko.” Danilo, Quezon City
“Regalo pa rin. Iba kasi yung saya na pinaghirapan niyang maghanap ng regalo para sa iyo. Feeling mo special ka talaga. Hahaha.” Caryl, Manila
“Depende. Kapag kasi nasa abroad ang magbibigay, mas okay kung pera kasi siyempre may mga gusto ka na hindi naman nila makikita doon. Samantalang kapag local lang eh madali mong makikita.” Luis, Tuguegarao
“Cash po. Hahaha. Kasi po ‘di ba parang binibigyan ma ng kalayaan na ikaw ang pumili ng ireregalo sayo. Haha. Mas naa-appreciate ko po talaga ang cash pero siyempre iba rin ang saya kapag regalo na bubuksan mo pa talaga. Sa bagay, ang cash puwede mo naman ilagay sa sobra para buksan.” Hanz, Manila
- Latest