Kung napapansin ang tsismis ay normal na paraan ng komunikasyon na ginagawa ng mga tao.
Para bang lahat ng bagay ay omnipresent na alam ng mga tao kung ano ang totoong nangyayari sa paligid. Tingnan sa mga social media sites na lahat ay aligaga na i-view at follow ang mga account ng mga indibidwal kahit hindi mga artista.
Pero hindi komo normal na ginawa ng iba ay ‘di ibig sabihin na tama na ito. Ang tsismis ay poison. Lason na nakakasira sa target na indibidwal na pinapatungkulan. Ang resulta ay maaaring makasakit at mapahiya na puwedeng magdulot nang matagalang epekto sa self-confidence at self- esteem ng biktima ng tsismis.
Sa bandang huli ay nagko-contribute ng depression, anxiety, eating disorder, at minsan ay nakakaisip na mag-suicide sa mga taong may ganitong tendencies.
Ang tsismis ay hindi lamang may negatibong impact sa work, school, at sa bahay kundi maging ang relasyon ay may epekto. Nag-iiwan ng pangit na marka mula sa gawa-gawa o pinaikut-ikot lamang na isyung narinig. Ang tsismis ay nakasisira ng pangit na reputasyon at character ng tao.
Dahil ang tsismis ay isang black magic na mas matindi pa ang epekto sa totoong poison. Kaya tigilan na ang tsismis na lason sa lahat ng relasyon sa trabaho, pagkakaibigan, at pamilya. Maaaring mahirap maiwasan ang bad habits nang pakikipagtsismisan, pero ang susi ay maging listo o aware sa kahit anong usapan. Pigilan ang kaibigan na nagsasalita ng tsismis, ipaliwanag na gusto mong ma-break ang bad habit ng gossiping na ayaw mong maging bahagi nito at alisin ang sarili sa umpukan o tsismisan. O puwedeng baguhin ang usapan sa positibong direksyon ng inyong kuwentuhan.