Nagtatalo si nanay at ang limang taong anak nito na nasa supermarket. Nag-demand ang anak na bumili ng isang item at saka nagpakita ng classic na temper tantrum nang tumanggi si nanay. Hanggang makarating sa checkout counter ang mag-ina habang nakapila. Walang pakialam si nanay na may nakikinig na ibang tao. Yumuko si nanay na mahinang bumulong nang tahimik sa anak nitong lalaki.
Sabi ni nanay, na gusto niyang ibigay ang item sa anak, pero hindi niya gagawin ito ngayon. Dahil hindi niya bibigyan ng reward ang ganyang klase ng behavior ng anak. Nagreklamo ang bata at nagsusungit. Matigas na sinabi ni nanay na may mangyayari pagdating nila sa bahay. Sumagot pa uli ang anak, sinaway ni nanay na kapag hindi siya tumigil ay makakatikim siya ng dalawa… sabay matalim na tingin sa anak.
Tumigil ang anak na nag-settle down at nag-behave na akala mo ay anghel.
Biglang sumingit ang lalaki sa kasunod na pila na nagsabi “Ang galing mong nanay!” Sumagot si nanay na nagsabing hindi madali, pero nakuha pa rin ni nanay na kumalma at magkontrol na hindi sumigaw o nag-overreact. Sa halip ay maliwanag na i-apply ni nanay ang rules sa bahay ay literal na rules din sa kahit saan maging sa supermarket. Yung confident at loving discipline ni nanay na kahit i-challenge ang kanyang authority ng anak sa harap ng ibang tao na puwedeng disadvantage ng magulang, pero naging wise pa rin si nanay.