Ang El Cuco o mas kilala sa tawag na El Viejo del Saco o El Sacomán ay isang nilalang mula Latin America.
Maihahalintulad daw ito sa Boogeyman na ang target biktimahin ay mga bata.
Ang Boogeyman ay panakot ng mga magulang sa mga batang ayaw sumunod sa kanila, habang ang El Cuco naman ay panakot sa mga batang hindi naniniwala sa Diyos.
Nilalagay niya raw ang mga batang ito sa kanyang sako.
Samantala, ayon naman sa Spanish legend, totoong tao raw ang El Cuco. Ito raw at si Francisco Ortega, a.k.a El Moruno.
Taong 20th Century pa raw ito nabuhay, at ayon sa kuwento, desperado na raw noon si Ortega na makahanap ng lunas sa sakit niyang Tubercolosis, kaya naman bumisita siya sa isang Curandera o albularyo sa Tagalog.
Pinayuhan siya nitong uminom ng dugo ng bata, kaya kinidnap niya ang pitong taong gulang na nagngangalang Bernardo.
Hindi gumaling si Ortega kaya nasundan pa ang pangunguha niya ng mga bata para lumagok ng maraming sariwang dugo.