Mahalagang oras
Laging wish ng iba ang mas maraming oras, pero ang totoo ay lahat ay may parehong 24 hours sa isang araw.
Kaso ang wish ng iba ay mas maraming oras pa. Minsan hindi kailangan ng extra na oras kundi, dapat ay hindi nagsasayang ng oras.
Yung simpleng pag-check ng mails, pag-surf sa social media, kaka-text, kakanood ng TV, at iba pang activities na nasasayang ang iyong oras.
Karaniwan ang isang tao ay inaabot ng 35 hours sa harap ng TV sa isang linggo. Katumbas na ito ng full-time na trabaho. Kung hindi maiwasan na manood ng TV ay bawasan naman ito.
Ang iba naman ay nauubos ang oras sa tsismis. Wala namang napapala sa negatibong ganitong bagay. Imbes na makipag-umpukan ay ibaling ang sarili sa mas kapaki-pakinabang na activities.
Kung wish na mas mahabang panahon, minuto, o oras ay i-check ang sarili na tiyak ay may mga bagay na kumakain ng iyong mahalagang time.
- Latest