Pasko sa Madagascar

Ang Pasko sa isla ng Madagascar sa east cost sa Africa ay masyadong mainit. Kahit mainit sa Madagascar ang karaniwang decoration ay bendeta, robins, at snow kahit hindi naturang nakikita sa kanilang bansa.

Ang official na lenggwahe sa Madagascar ay Malagasy. Ang greeting ng mga ito ay “Mirary Krismasy sambatra sy Taona vaovao tonga lafatra ho anao’ na ibig sabihin ay “Merry Christmas and Happy New year!”

Madalas ang exchange gift sa Malagasy ay maliit na regalo lamang. Ang Santa Claus sa Madagascar ay tinatawag na ‘Dadabe Noely’.

Kadalasan ay nagpupunta ng simbahan ang mga tao sa Christmas eve. Ang service ay nagsisimula ng 5:00 p.m. hanggang pagkatapos ng hating gabi. Iba’t ibang grupo sa simbahan ay nagbibigay ng special number. Kinabukasan ay nagsisimba pa rin ang mga tao sa araw mismo ng Christmas day kung saan nakatatanggap ng sweet o biscuit ang mga tao mula sa church.

Kahit ang mga estranghero ay nagbabatian ng “Arahaba tratry ny Noely’ na ang ibig sabihin ay Merry Christmas.

Ang mga pamilya ng Malagasy ay nagsasalu-salo at nagbibihis ng mga bagong damit. Ang karaniwang handa ay manok o pork na may kanin na sinusundan ng special cake. Ang mga mayayaman sa Madagascar ay kumakain sa mga restaurant, pero kadalasan ang mga tao ay nasa bahay kasama ang kanilang pamilya. Ang special Christmas food sa Madagascar ay sariwang lychees na binili sa kalye o pinitas sa puno. Ang buong kalye ay natatakpan ng balat ng lychee. Ang poinsettias ay hindi lamang dekorasyon tuwing Pasko, kundi bilang sagisag sa Madagascar. 

 

Show comments