Healthy habits ng indibidwal

Huwag madismaya kung nagkataon na talunan ka ngayon. Ang bawat kabiguan o failure ay maaaring isang hakbang palapit sa tagumpay.

Magsimula kung saang parte ka man ng iyong buhay ngayon. Gawing one step at a time lamang. Ipokus ang sarili sa isang bagay  lamang muna. Sa halip na i-revamp ang buong pagkatao, kundi subukan na i-give up ang isang bad habit. Bagkus ay magdagdag ng isang healthy na habit upang maging maayos ang buhay.

May mga healthy habit na makapagbabago ng pananaw sa buhay.

Isa na ang pagkakaroon ng exercise. Ang mga tao ay inuugnay lamang ang exercise sa pagbabawas ng timbang. Totoo ito dahil ang ehersisyo ay epektibong tool para ma-manage ang weight loss. Pero higit sa lahat ang exercise ay nagpapaganda rin ng mood, proteksyon laban sa mga sakit, at nagpapaganda ng magandang quality ng buhay upang magpatuloy sa mga goals at target na gustong makamit.

Kung hindi pa handa na mag-ehersisyo ay simpleng simulan lamang ito sa paglalakad ng kahit 10 minutes.

Bawasan din ang oras ng iyong screen time maging ito ay sa panonood ng TV, pag-view sa social media, at paglalaro ng gadgets.

Ang sobrang screen time ay hindi lamang masama sa mga mata, kundi binubulabog nito ang circadian rhythm, mataas ang tsansa na magkaroon ng diabetes, at mortality rate o kamatayan dahilan na ang sobrang screen time ay inuugnay sa bad habit na sa kawalan ng physical activities ay pinagmumulan ng mga sakit o depression.

Para ma-boost ang energy ay kailangang lumabas ng bahay at magkaroon ng outdoor activities. Lalo na sa umaga upang maayos ang stress management at ma-boost ang creativity ng isang indibidwal.

Magkaroon ng isang outdoor activity sa isang araw. Hamunin ang sarili na  mag-adopt ng isang healthy habit sa loob o labas ng bahay upang ma-boost ang magandang kalusugan ng kaisipan, pangangatawan, at katahimikan ng kalooban.

Show comments