Urayuli – May taas na sampung talampakan, mahahaba ang mga kamay at umiilaw ang mga mata. Bagama’t nakakatakot ang kanilang hitsura, hindi naman sila nananakit ng tao.
Paborito nilang kainin ang mga usa na pagala-gala sa kagubatan.
Fresno Nightcrawlers – kilala rin sa tawag na Fresno aliens. Meron silang mahahabang paa pero walang kamay at katawan, paa at ulo lang.
Una silang nakita sa isang surveillance video sa California. Pinaniniwalaang sila ay alien, habang ang iba naman ay sinasabing sila ay multo.
Slide Rock Bolter – Isang nilalang na may hawig sa isdang hito, meron itong nakakatakot na laki at nakatira sa kabundukan ng Colorado.
Sa dulo ng palikpik nito ay may hook na siyang pinangkakawit niya sa mga puno. ‘Pag may nakita siyang tao, bibitaw siya rito, magpapadulas at ibubuka ang malaking bibig para kainin ang mga biktima.
Melon Heads – Ayon sa alamat ng Connecticut, ang mga maliliit at may malalaking ulo na mga nilalang na ito ay ninuno raw ng mga nakatakas na kriminal noon. Naging cannibal daw ang mga ito dahil na rin sa walang makain noong panahon ng tag-lamig. Ayon sa mga report, may sightings na raw nito sa lugar ng Michigan at Ohio.
Pukwudgie – Nanggaling ito sa Wampanoag folklore. Ang maliliit ding mga nilalang na ito ay dating kasundo raw ng mga tao, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lang silang naging masungit at mapanakit, lalo na ‘pag sila ay iniistorbo. Kamukha nila ang mga duwende.