Romantic wedding sa ulan
Kadalasan kapag nagpaplano ng kasal ay iniiwasan ang taga-ulan para hindi masira ang wedding day na pinakahihintay.
Kakaiba naman ang suggestion ng wedding planner ng Kiss the Planner mula sa Palm Beach sa Florida na ang may ari ay si Aviva Samuels, mas type nito ang wedding sa rainy season.
Katuwiran ni Samuels mas unique ang kasalan kapag umuulan. Mas marami ang artistic na pagkakataon at moment na puwedeng gawin kung umuulan. Mula sa wedding photos na lalabas ang one-of-kind na picture dahil maka-capture ang mist at soft light ng paligid.
Sang-ayon din ang mga matatanda na kapag kinakasal ay mas maraming blessings ang mag-asawa sa kanilang bubuuing pamilya.
Plus free of charge rin ang rainbow effect pagkatapos ng ulan na hatid ng mother nature. Plus maganda at masaya rin tingnan ang mga bulaklak na magagamit ayon kay Samuels dahil natural ang effect ng beauty nito lalo na sa center kumpara sa mga bulaklak na dry dahil sa init ng hangin kapag tag-init.
Samantalang malakas na paniwala rin ng lumang kasabihan ng mga matatanda na ang ulan ay nagtataboy ng masamang vibes sa buhay ng kinakasal.
- Latest