Christmas bonus dapat bang hawakan ng asawa?
“Wala namang problema sa akin kung ibibigay ko kay misis ang 13th month pay. ‘Yun talaga ang original plan. Siya ang magtatago nun para dagdag sa savings. Balak namin kakain lang kami sa labas and the rest, lalagay sa savings or investments.” - Nathan, Pangasinan
“Hindi pa ako kasal pero para sa akin, dapat kung sino ang may bonus, siya ang humawak. Chance na niya mabili ang mga gusto niya. Hindi na siguro kailangan pa itong i-audit ng kanyang misis. Siyempre meron din siyang gusto talagang bilhin. Pagkakataon na niya ‘yun para bilhin.” - Wilfred, Manila
“Oo naman. Si misis pa rin ang masusunod pagdating sa 13th month. Okay lang sa akin. Ang pera ko para talaga sa aming pamilya. Pag pamilyado ka na minsan ‘di mo na maiisip kung ano magandang bilhin. Lahat ng maiisip mo pang-pamilya na. Secondary na lang yung mga wants. Saka pag may extra naman, pumapayag si misis na bumili kami ng mga gusto namin. Pero una talaga sa lahat ang pangangailangan.” - Almer, Cagayan de Oro
“Well, sa tingin ko naman walang problema kung ang mister ang hahawak ng kanynag finances at bibigyan na lamang si misis. After all, siya naman ang nagtrabaho. Sa aming mag-asawa, ako ang humahawak ng aming pera. At okay sa asawa ko ‘yun. Yung sweldo niya kasi para sa kanya lang. Ang sweldo ko naman ay para sa aming dalawa.” - Lourde, Laguna
“Normal na lang sa aming mag-asawa na siya (misis) lagi ang nagma-manage ng aming pera. Mas okay ako roon dahil wala rin masyado akong alam sa pagba-budget. Bilib ako sa kanya dahil kahit maliit lang ang sahod ko ay napagkakasya niya yun. Kaya sa 13th month pay ko, siya na rin ang bahala dahil may tiwala ako sa kanya.” - Arjay, Quezon City
- Latest