Importanteng factors ngayon ang portion sizes.
Sino ba ang hindi nasasarapan sa pagkain na sine-serve, pero ang sukat ng plate ay mahalaga na may malaking impact sa kung ano ang mararamdaman pagkatapos ng maghapon. Sa pag-aaral ng 100 na cases, napag-alaman na ang consistent na pagkunsumo ng mas maraming pagkain at drinks gaya ng mas maraming calories kapag inihahain sa malakihang portion, packages, at tableware ay may negatibong resulta kumpara sa small-sized portion sa mga kainan.
Sa research, nalaman na ang mga adult ay karaniwang na nagkukunsumo ng 15% o higit pa na umaabot ng 250 calories kapag binigyan ng mas malaking serving.
Ayon sa prediction, ang excess magnitude ay puwedeng tumaas ng 10-pound ang weight na madaragdag dahil sa lahat ng putaheng kinakain sa loob ng isang taon.
Obvious naman ‘di ba mas maraming kinakain mas bumibigat ang ating timbang.
Siyempre size matters na naiimpluwensyahan ang portion ng sukat na mas maganda kung maliit lamang ang plate. Ang tendency ay napaparami ang kain sa mas malaking plato na karaniwan ay inaabot ng 92% kung ano ang inilalagay sa plate. Mas malaking plato ay napapadami ang kakainin.
Ang simpleng data na 12-inch hanggang 10-inch na plato ay puwedeng mabawasan ang calories na i-serve mahigit sa 20%. Puwede pa rin ma-enjoy ang handaan, pero mag-isip din kung babalik pa para kumuha ng pagkain.