May asawa’t anak ang bf

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Jenny, 15, at may bf. Napakalaki po ng agwat ng age namin. May naging asawa po siya at may anak. Sabi niya sa akin hiwalay na sila ng asawa niya pero hinahabol pa rin siya ng babae. Ano po bang dapat kong gawin? Mahal na mahal ko po siya at maraming beses ng may nangyari sa amin. -Jenny,

Dear Jenny,

Kahit hiwalay siya dun sa babae, asawa pa rin niya yun at may anak sila na dapat niyang panagutan. Pero hindi ito ang dapat mong pinoproblema kundi ang iyong kinabukasan na nasisira lamang dahil sa pakikipagre­lasyon mo sa kanya. Bata ka pa at ang dapat inaatupag ay ang pag-aaral. Hindi mo rin nae-enjoy ang iyong kabataan dahil nakapako na lamang sa kanya ang mundo mo. Paano kung mabuntis ka? ‘Pag nagsawa siya sa’yo, posibleng iwan ka rin niya tulad ng ginawa niya sa misis niya. Gamitin mo sana ang iyong isip at ‘wag pabulag sa iyong nararamdaman. Kung mahal ka niya, hindi niya hahayaang mawasak ang iyong kinabukasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments