Dear Vanezza,
Mula pagkabata ay iminulat na ako sa pagiging relihiyoso at may pagpapahalaga sa pagkadalaga ng isang babae. Virgin since birth ang drama ko. Ang problema ko ay ang bf ko na nagpipilit na may mangyari sa amin. Lagi siyang nangungulit at nag-warning siya n makikipaghiwalay siya sa akin kapag hindi ako pumayag. Ano po ang dapat kong gawin? - Vashti
Dear Vashti,
Ang isang maginoong lalaki ay hindi namimilit na makipagtalik o nagbabanta kung hindi mapagbigyan. Paano kung mabuntis ka ng wala sa panahon. Ikaw ang talo dahil ikaw ang nawalan. Kaya hindi ka dapat nagpapasindak sa pananakot niya. Ingatan mo ang iyong pagkababae at hindi dapat kukunin lang niya sa napakadaling sarap ng walang respeto mong BF.
Sumasaiyo,
Vanezza