Family time

Masarap magkaroon ng family time na nakaka-relax sa masayang pagba-bonding ng mag-anak ngayong holiday season. Ang malungkot ay hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na mabisita o makapiling ang kanilang pamilya. Ang pagsasama ng pamilya ay mahalaga kaya naman kapag hindi ito natupad ay nati-trigger ang lungkot, sakit  ng kalooban, at nabubuksan ang mga ne­gatibong reaksyon at emosyon ng isang tao.

Huwag ma-guilty kung hindi ito mabibigyan ng katuparan sa anomang kadahilanan.

Hindi masama na ibaling muna sa ibang direksyon ang iyong atensyon kaysa malungkot. Puwedeng puntahan ngayong holidays ang mga taong malapit na nagbibigay sa iyo nang halaga at pagmamahal, kahit malayo ang sariling pamilya. Ngayong holidays ay gawin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo na napapalibutan ng mga taong nailalabas ang  positibong side ng iyong pagkatao. Wala man ang pamilya ay positibo pa ring maipagdiriwang ang kapaskuhan sa maayos at masayang paraan upang hindi mabigyan ng puwang ang anxiety at depression sa masayang selebrasyon ng taon.

Show comments