• Katulad ng mga oso na nagha-hibernate tuwing winter, ang mga puno rin ay nakararanas ng proseso na tinatawag na “dormancy.” Sa ganitong period, nagsisimulang mawala ang mga dahon, bumababa ang energy ng consumption, pagtubo, at metabolism rate ng bawat puno. Para maprotektahan ang puno mula sa snow, ice, at freezing winter temperatures. Ang ilang halaman ay ginagamit ang patay na dahon bilang blanket na nakatutulong matagalan ng puno ang lamig.