Kung kayo ay mahilig sa tsokolate, lalung-lalo na sa sikat na palaman na Nutella, ito na ang pagkakataon niyong magpakalunod dito, dahil meron na itong hotel na tinawag na Hotella Nutella.
Magbubukas ito sa January 10, 2020 hanggang January 12, at hindi lamang ito para sa mga Nutella fan. Puwede ring magkaroon ng pagkakataong makapag-stay dito ang mga hindi mahihilig sa matatamis.
Para ikaw ay mapili na makapasok sa nasabing hotel, kailangan mo lamang na gumawa at mag-send ng video tungkol sa Nutella kung bakit mo ito paborito at kung paano ito nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Ang magsisilbing premyo sa mapalad na mapipili ay round-trip coach air transportation para sa winner at sa kasama nito, accommodation for three days and two nights at creative breakfast experiences na gagawin ng best breakfast-maker in town.