Dear Vanezza,
Narinig ko sa kuwentuhan ng kapitbahay namin na ang totoong nanay ko raw ay ang tinuturing kong ate na ngayon ay may pamilya na. Bakit kailangan akong itago ng totoo kong nanay at hindi niya ako isama sa kanilang bahay. Sa buong buhay ko ang alam ko ay kapatid ko si ate na hindi man lang sinabi sa akin ni lola ang totoo. Pero ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin na anak niya ako. Paano ko ba kokomprontahin ang sarili kong nanay? -Jas
Dear Jas,
Kapag buo na ang loob mo na kaya mo nang tanggapin ang katotohanan ay puwedeng magtanong sa kanila. Upang maging malinaw ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao. Tiyak na may dahilan ang lola at nanay mo upang marahil ay protektahan ka sa ibang tao.
Sumasainyo,
Vanezza