Wise sa pagbili ng regalo

Tuwing holiday season ay mataas ang trending ng mga commercials at ads na fini-feed sa telebisyon at sa ibang social media.

Kaya  maraming tao ang naeengganyo na bumili ng mga bagay kahit hindi naman ito kailangan.

May paraan upang mabawasan ang gastusin nga­yong holiday season at maging wise sa inyong kaperahan.

Gaya ng pagtitipid ng pagbibigay ng regalo na imbes na pa isa-isa ang pagpili ay mas makakatipid kapag bumili ng pangkahalatang items na puwedeng gamitin kahit ng anong gender.

Hindi pa mahihirapan sa inyong pag-shopping dahil one time lamang ang pagbili.

Hindi na rin mahihirapan na mag-isip kung anong gift ang ibibigay.

Maaaring mamili ng iyong theme sa pagbibigay tulad ng kung lahat ay pang kitchen, sala, pang-opisina, o ibang items.

Mas makakukuha rin ng malaking discount kung bultuhan ang bibilhin. Kumpara sa pa isa-isang gamit.

Kung iisa lamang ang theme o concept ng mga gift ay hindi na mag-iisip o magsasayang ng oras sa kakaikot sa kakapili ng regalong bibilhin.

Tiyak na ikatutuwa ng pagbibigyan dahil sa ma­gagamit nila ito.

Show comments