Kalabasang Okoy

Ang kalabasang ukoy ay simpleng lutuin na perfect na substitute sa mga karaniwang ulam na may karne.

Simple lang lutuin ang nutritious dish na ito na puwede ring pambaon sa inyong mga anak.

Sa recipe na ito, kakai­langanin lang ng mga sumusunod:

1 ¼ cups malamig na tubig

100 g hibe

¼ cup all-purpose flour

1 cup cornstarch

2 cups kalabasa na hiniwa ng maninipis

2 cups vegetable oil para sa deep frying

1 piraso ng itlog

Paraan ng pagluluto:

Sa isang lalagyan, pagsama-samahin ang cornstarch, flour at ma­lamig na tubig hanggang sa makagawa ng smooth na mixture.

Sunod na ilagay ng beaten egg, kalabasa, at hibe.

Lagyan ito ng paminta at asin depende sa inyong panlasa.

Iprito ang okoy ng maliliit para maging crispy. I-partner ito sa maanghang o matamis na suka.

Burp!

Show comments