Anak na nasasakal kay nanay

Dear Vanezza,

Yung nanay kong wala nang makitang tama sa ginagawa ko. Nag-aaral naman akong mabuti. Pero lahat na lanag ay  bawal, samantalang yung kuya kong pasaway ay hindi niya mapagsabihan kahit puro mali ang ginagawa. Katuwiran niya ay babae ako kaya dapat na bantayan. Gusto ko nang maglayas sa bahay namin. Ano ba ang gagawin ko? – Jessica

Dear Jessica,

Ganyan lang talaga ang mga nanay. Hindi sa overprotective, kundi gusto lamang masiguradong hindi mapapahamak ang anak nilang babae. Sabihan o sulatan si nanay ng iyong sama ng loob upang maintindihan niyang nasasakal ka rin minsan. Darating ang araw na pasasalamatan si nanay sa kanyang paghihigpit na para na rin sa iyong kinabukasan.

Sumasainyo,

Vanezza

 

 

Show comments