Ngayong papalapit na holiday season ay tradisyon na ng mga overseas Filipino workers ang pagpapadala ng Balik-bayan Box sa kanilang pamilya.
Maaaring ang tingin ng iba na ito ay gastos lamang na puwedeng perang na ipadala na lang sana para sa kanilang mahal sa buhay.
Pero sa puso ng OFW ito ay paraan ng kanilang pag-share ng kanilang blessings sa kanila loved ones.
Nakakaaliw na pati shampoo, sabon, sapatos, T-shirt, tuwalya, at ibang items ay laman ng bagahe.
Hindi man makauwi sina tatay, nanay, lola, lolo, kuya, ate, tito, at tita ngayong kapaskuhan ay may Balik-bayan box na ang munting regalo ay magbibigay ngiti at kurot mula sa puso ng mga OFW.