“Pabor ako diyan. Dagdag kaalaman yan sa mga estudyante. Digital na tayo ngayon at sa tingin ko tama lang yung gawing hakbang ang online assignment para naman hindi lang paglalaro ang gawin ng mga kabataan sa computer at cellphone.” Athan, Zambales
“Lalo lang magiging tamad ang mga estudyante. Mas okay pa rin kung traditional. Yung sa notebook.. Mga estudyante ngayon tamad nang magsulat dahil may digital na nga. Hays.” Nelson, Manila
“Hindi ako pabor diyan. Hindi sila matututo sa ganyan. Dapat gawin nila sa notebook o kaya sa bond papers nang manu-mano ang kanilang assignment. Para malaman nila ang hirap ng mga henerasyon noon.” Justin, UAE
“Maganda yun. Para may iba silang gagawin sa gadgets. Maganda naman na ang nga technology ngayon. Madali lang malaman kung kinuha lang sa google ang sagot. Edi gawin nilang multiple choices at essays.” Marlon, Quezon City
“Hati ang opinion ko diyan. Madali para sa estudyante yung online assignments. Maganda yun para modern. Pero paano naman yung mahihirap na walang laptop o cellphone na pwedeng lagyan ng app? Makakawawa lang sila.” Arlan, Manila