Natutukso sa malambing na kaopisina

Dear Vanezza,

May asawa ako at 2 anak. Kahit minsan ay hindi ako naging taksil. Pero bigla akong natutukso sa bago kong kaopisina na maganda at malambing sa akin. Alam kong mali, pero ang lakas nang hatak niya sa akin. Paano ko ito mapaglalabanan? - Tiangco

Dear Tiangco,

Ipagpapalit mo ba ang pamilya mo sa panandaliang tukso? Isipin mo na ang iyong pamilya na magdurusa. Lagi kang manalangin upang paglabanan ang tukso.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments