Paandar na parada sa Germany

Ngayong holiday season ay pagkakataon na sa mga pamilya at magkakaibigan na nagsasama-sama mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Upang magpasalamat, mag-share ng gifts, at makapiling ang mahal sa buhay para sa holiday spirit.

Ang Thanksgiving ay hindi na lamang exclusive sa Amerika, pero parehong nagbibigay exciting na tradition sa buong mundo.

May ilang festival bilang pagkakaroon ng sentimental na okasyon ngayong holiday season. Ito ay pagkakataon na makasama ang friends at family na mag-reflect ng kahalagahan ng buhay.

Katulad sa Germany na ang selebrasyon ay kilala bilang Erntedankfest na ang ibig sabihin ay “harvest thanksgiving festival.”

Kadalasan ay ginagawa sa mga rural, religious groups, at oportunidad sa mga magsasaka na magpasa­lamat at i-honor ang kanilang pag-aani.

Hindi lang ito exclusive sa Germany, kundi pati sa ibang German-speaking na bansa gaya ng Austria at Switzerland. May paandar pa silang parada na may naka-assign na Harvest Queen.

Pero ang Thanksgiving sa Germany ay hindi kasing big deal hindi katulad sa U.S. na bongga ang handaan at selebrasyon.

Show comments