8 Inches na blood clot nahugot sa baga ng isang lalaki!
Nahugot mula sa baga ng isang 64-year-old na lalaki ang napakalaking blood clot na sanhi umano ng breathing tube na nakakabit dito.
Hindi konektado ang clot sa kanyang baga, isa lamang itong dugong namuo na hindi maaaring matanggal sa pamamagitan ng pag-ubo lamang.
Isinugod ang lalaki matapos makaramdam ng back pain, lagnat, at pagkahilo.
Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, mababa ang blood pressure nito nang dalhin sa intensive care. Bukod pa roon, bumibigay na rin ang baga nito.
Agad na siyang isinailalim sa scan at doon na napag-alamang meron siyang pulmonary embolism at merong nakabara sa breathing tube na ipinasok sa kanyang baga.
“Despite multiple attempts, this could not be removed by suction,” pagbabahagi ni Dr. Charles Coughlan.
Para matanggal ang clot, kailangan munang patulugin at pamanhidin ang pasyente saka ito susungkitin. May sukat na 20cm o halos 8 inches ang nakuhang clot at hugis baga rin ito.
Pagkatapos ng procedure, nakakahinga na nang maayos ang lalaki. ‘Yun nga lang, ayon pa sa iba pa niyang scan, meron pa rin siyang bowel cancer, septic shock, MRSA, isang bacterial infection at impeksyon sa kanyang heart tissue.
Na-comatose ang lalaki pagkatapos. Makalipas lang din ng ilang araw, pinatay na ang kanyang life support dahil na rin sa desisyon ng kanyang pamilya.
- Latest