Napakaraming health benefits ng avocado. Isa na rito ang paggamit ng avocado face mask na isang therapeutic tool na isa pang paraan para ma-promote ang facial health natin. Sagana ang avocados sa omega-3 fatty acids at iba pang antioxidants, tulad ng vitamin A, B, K, and E, na magpapaganda ng health and wellness ng ating kutis.
Marami rin itong beneficial minerals at organic compounds na mas magiging kapaki-pakinabang kapag inilagay nang direkta sa mukha.
Maraming paraan para gumawa nito at ilan sa pwedeng isamang sangkap ay ang honey, egg, oatmeal, olive oil, apricot, banana, at yogurt.
Narito ang pinakamadaling recipe para sa simpleng avocado face mask:
Kakailangan ng 1 avocado, 1 egg, 1/2 tablespoon of lemon juice, 1 tablespoon of honey.
Durugin ang laman ng avocado sa isang lalagyan. Pagkatapos ay isama na ang itlog, lemon juice, at honey.
Kapag maganda na ang consistency ng mixture ay pwede na itong ilagay sa tuyo at malinis na mukha. Ibabad ito ng 20 minuto at saka banlawan.
Maaari ring paghaluin ang avocado at mayonnaise na mabisang pampadulas at pampalambot ng buhok. Ibabad ito sa buhok ng 20 minutes at saka banlawan.