Ang susi sa tagumpay ng pagbabago ng behavior ay ayon sa nakapagpapa-trigger ng goals, routine, at inaasahan na reward.
Kailangan nang sapat na motivation at pang-unawa na nagpapagana sa kung ano ang gagawin. Para ma-promote ang bago o magandang formation ng good habit.
Sa blueprint ng pagkakaroon ng good habit ay simulan ito sa simpleng hakbang.
Yung maliit muna, achievable, at simpleng goal na nagpapalapit sa ultimate reward na hinahanap. Huwag ismolin ang simpleng hakbang dahil sa maliit na pagbabago ay nagkakaroon ng remarkable na result.
Alamin ang mga nagpapa-trigger para magkaroon ng positibong habit o kung bakit hindi nagtatagumpay. Puwedeng maimpluwensyahan ang new habit. Halimbawa, kung gustong mag-ehersisyo sa umaga ay ihanda na ang damit, sapatos, at tubig sa gabi pa lang para mas lalong ganahan sa iyong goals kinabukasan.
Maglaan ng isang linggo o higit pa. Karaniwan ang bagong habit ay inaabot ng 66 days para ma-establish at maka-move on upang gumana rin ang brain na automatic na mag-iisip sa task na gagawin.
Asahan na may ups and downs din ang goals na hindi maaalis na mabibigo na puwedeng magresulta na ayaw nang ituloy ang good habits na sinisimulan. Ang iba ay bumabalik sa dating gawin. Pero huwag madismaya o mag-give up na maaaring matututo sa mga kahinaan o kamalian.
Tanggalin ang negatibong nagpapa-trigger. Ang mga triggers ay puwedeng ibaling sa positibong bagay. Mas madaling isipin ang negatibong bagay, pero maaari itong maiwasan kung magiging determinado.
Tandaan, huwag susulong na mag-isa. Ang pagbabago ay magiging mahirap, pero kung napapaligiran ng mga taong kapareho ng karanasan, mas magiging madali ang pagbabago kasama ang support ng ating pamilya o kaibigan para sa habit formation na nakatutulong na matutong maging responsable sa ating goals.
Laging i-build ang success, habang ang simpleng pagsisimula ng maliit na habits ay puwedeng maging progresibo o produktibo para sa ating target at magpatuloy na maayos ang positibong pagbabago.