Nararanasang aftershock

Kahit pagkatapos ng lindol ay huwag basta makapante. Kailangan pa rin maghanda kahit pagkatapos ng lindol. Pag-isipan ang mga dapat gawin na may sinusunod pa ring standard para ma­ging ligtas.

1. Panatilihing kalmado at alert sa mga posibleng nararanasang aftershocks

2. I-check ang sarili at ang paligid kung mayroong injuries at magbigay ng first aid. Unahin ang mga bata, buntis, PWDs, at senior citizens

3. Kung nasa mga coastal area ay mag-evacuate agad sa mataas na lugar.

4. I-double check ang mga toxic spills at flammable chemicals

5. Lumabas ng building hanggang may abiso na ligtas na, saka lamang bumalik

6. I-check ang tubig, electrical, kung may leak ang gas, LPG, at kung may sira sa bahay o building

7. Manatiling updated sa radio o TV

Kung hindi down ang system ay tawagan ang pamilya at ipaalam ang iyong sitwasyon at lugar.

Show comments