^

Para Malibang

Pag-akyat sa bundok ng tagumpay

Pang-masa

Anoman ang gusto sa buhay mayroong simpleng bagay na kailangang tanggapin na sinasabing “everything worthwhile is up hill” na kailangang  pinaghihirapan.

Walang shortcuts at waley din fast tracks. Lahat ng bagay ay may value at purpose na dapat pagtrabahuan para matupad. Kailangang ibuhos ang lahat ng effort para makuha ang ano gusto  at kung saan nais makarating.

Ito man ay sa magandang pagsasama ng mag-asawa, tagumpay ng career, kalusugan,   gustong ma-achieve ang magandang looks, at kahit ano pa, name it ay kailangang pagsikapan.

Walang magandang bagay ang madaling nakukuha, kung meron man ay madali ring maglaho.

Pero kakaiba ang lahat ng bagay na desire sa buhay at lahat nang gustong makamtan ay nasa itaas na parang bundok na ibig sabihin ay kailangan akyatin. Madalas ay nakakahamon, nakakapagod, at mahirap. Walang taong umakyat sa bundok ang nagyabang na wala siyang idea kung paano umakyat na basta na lang nakarating sa tuktok.

Sa anomang aakyatin na bundok ay kailangang maging determinado at intentional na handang harapin ang hamon.

Sa pag-akyat ay requirement ang matinding disiplina na kailangan para magtagumpay sa buhay.

Kung sa bawat inaabot sa itaas ng bundok na gaya ng pangarap na worthy na paghihirapan na ibig sabihin ay kailangang magdesisyon na magpatuloy at tuparin ito. Ang isang paa ay pasulong ang hakbang sa bawat pag-akyat. Kailangang mag-grow at i-stretch ang sarili paunti-unti araw-araw.

Ano ang mga bagay na nag-uudyok sa iyo para umakyat sa bundok ng iyong pangarap? Hindi maiiwasan na mayroong “downhill habits o beliefs” na nagpapabigat para bumaba at mapigilan na magpatuloy.

Lahat ay may bigat na pasanin, pero ang mahalaga na alam mong may reward na nakalaang naghihintay para sa iyo kung hind ka susuko na marating ang tugatok ng tagumpay.

Bawat araw ay pagkakataon na umakyat, umuusad, at magpatuloy. Hindi importante kung kailan makakamtan ang goals, ang mahalaga na habang tumataas ay natututo at nagiging maaayos ang lahat.

vuukle comment

TAGUMPAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with