Sa hindi malamang dahilan, pumanaw ng biglaan ang lalaking si Subhash Yada mula India. Nagkaroon sila ng pustahan ayon sa kanyang kaibigan na huli niyang nakasama bago pa siya malagutan ng hininga.
Nagkasundo ang dalawa na kung sino ang unang makakain ng 50 na itlog sa isang upuan lang ay babayaran ng $28 o P1,400.
Agad na pumayag si Yada at nag-umpisa nang kumain. Okay naman ito noong una, pero nang bandang kalagitnaan na ay para na itong nasusuka-suka.
Pagdating sa pang-41 nitong itlog, bigla na lamang itong nahimatay at nawalan ng malay.
Naisugod pa ang 42-year-old na lalaki pero namatay din kalaunan.
Ayon sa mga doktor, posibleng overeating ang ikinamatay nito.
Hindi matanggap ng pamilya niya ang nangyari, lalo na ng kanyang kaibigan na nakokonsensya sa kanilang ginawang pustahan.
Masustansya ang pagkain ng itlog, pero sabi nga nila, lahat nang sobra ay masama.
Bukod sa masustansya, ayon sa pagsusuri, ang itlog ay nakapagpapalakas ng ating katawan. Ito ay nakapagpapatibay ng ating stamina at nagtataglay ng amino acids. Nakagaganda rin ito ng buhok at nakapagpapagaling ng pagkalabo ng mata.
Mainam din ito para sa mga buntis at sa mga gustong mag-diet.
Samantala, kung merong mabuting maidudulot ang pagkain ng itlog, siyempre meron ding negative side ito.
Ang sobrang pagkain nito ay maaaring mauwi sa food poisoning at sobrang pagtaas ng cholesterol.
Nasa isa hanggang apat na itlog lang kada-linggo ang advisable na bilang ng pagkain nito.