‘Tokyo’s Restaurant of Mistaken Orders’
Isa ang lugar ng Tokyo, Japan sa may pinaka- marami at pinakamasarap na kainan sa buong mundo. Kilala rin ito sa kakaibang tema ng mga restaurant na tulad ng maid cafes, ninja cafes, pet cafes, at marami pang iba. Pero kung ang lahat ng ito ay napuntahan n’yo na at naghahanap kayo ng mas kakaiba, subukan ninyo ang Restaurant of Mistaken Orders.
Kakaiba ang pangalan hindi ba? Sa unang dinig, aakalain mong gimmick lamang ito, pero totoong ibang order ang mapupunta sa inyo at hindi ang mismong in-order ninyong una. Ganunpaman, masarap pa rin naman daw ang mga ito at ang lahat ng mga pagkain sa nasabing restaurant. Pero ang mas nakapagpa-espesyal sa lugar nito ay ang mga matatandang serbidora na may dementia.
Isang kumpanyang may mabubuting puso ang nakaisip na gawin ang ganoong theme para ikalat diumano ang awareness sa Japan tungkol sa Dementia at sa mga dumaranas nito.
Hindi lang sila nakapagbigay-oportunidad sa mga ganitong may sakit, kung hindi nakakatulong din sila para ma-exercise ang kalusugan ng mga ito at mabigyang pansin ang mental health issues na madalas na hindi naitatalakay sa komunidad.
Bukas ang Restaurant of Mistaken Orders sa kahit ano mang donasyon para sa mga matatandang may dementia.
Sinusigurado naman ng mga ito na ang kakainin ninyong pagkain ay masarap at bago sa inyong panlasa.
- Latest