Kung gusto o nag-iisip nang magka-baby, may mga bagay na dapat gawin para maging matagumpay ang pinaplanong magkaroon ng anak ayon sa webmd.com.
Mag-ingat sa pag-inom ng gamot
Bago uminom ng gamot o itigil ang pagte-take ng iniinom na gamot, laging kumonsulta muna sa doctor.
Kung iniisip na dapat ihinto ang mga iniinom na gamot bago magbuntis, maaaring may masamang epekto rin ito sa magiging baby.
Maaaring makasama sa mommy at sa baby ang pagtigil ng iniinom na gamot.
May mga gamot kasi na nakatutulong sa pagbubuntis at siyempre, mayroon ding nakakasama.
Huwag basta-basta ititigil ang pag-inom ng gamot para sa seizures, depression, o high blood pressure dahil maaaring maapektuhan ang pagbubuntis.
Kumonsulta sa doctor para sa treatment na safe para sa pagbubuntis. Maaaring palitan ang gamot o bawasan ang dosage.