Sexual desire ng lalaki at babae
Kapag hindi naintindihan ang sexual desire na preferences sa pagitan ng lalaki at babae ay patuloy na nagkakaroon ng pagkadismaya ang isang relasyon.
Ang lalaki ay ginaganahan o naa-arouse sa mga visual na stimulation. Nati-turn on ito kapag nakahubad ang babae o pasilip na nakatingin sa semi-nudity. Samantalang ang mga babae sa kabilang banda ay hindi gaanong visual oriented.
Siyempre interesado at attractive ang mga lahi ni Eba sa matipuno o maskuladong lalaki, pero ang physiological mechanism ng sex ay hindi nati-trigger sa babae sa typical na nakikita ng babae. Kundi nagigising ang natutulog na laman ng babae sa sense of touch.
Ito ang unang pinagtatalunan sa bedroom. Gusto ng lalaki na makita ang hubad na katawan ng babae sa maliwanag na kuwarto, samantalang gusto ni Eba na haplusin ito sa dilim.
Wala rin diskriminasyon sa lalaki kung sino ang nakikita niyang sexy sa kalye. Excited ang lalaki kapag nakakita ng hubad na model lalo na ang babaing mahal nito.
Ang biological power ng sexual desire ng lalaki ay sa physical body at attractive na babae. Kaya nagrereklamo ang mga babae na sinasabing sila ay “sex object” ng lalaki.
Kaya ang feeling ng advance mag-isip na babae ay “hinuhubaran” siya ng lalaki sa tingin pa lamang nito. Dahil ito ay reflection ng masculine self-esteem ng lalaki na ang motibo ay “ma-conquer” ang babae na maging object ng kanyang romantic love.
Samantalang ang babae, iba ang sexual interest. Hindi masyado sa charm ng good-looking guy o mabuhok o mabalahibong dibdib ng model. Sa halip na ang desire ay karaniwang nakapokus sa indibidwal na kanilang nirerespeto o hinahangaan. Ginaganahan ang babae sa romantic aura kasama ang kanyang lalaki na may magandang character at personality. Nakayapos ang babae sa lalaking swak ang standard sa kanyang emotionally at physically na aspeto.
Siyempre mayroong exception sa mga ganitong characteristic desire, pero ang katotohanan na ang sex sa lalaki ay mas nakatuon sa physical phenomenon; ang sex sa babae ay mas malalim na emotional experience nito.
- Latest