Mahilig sa kutkutin ang mga Pinoy kaya naman marami rin sa atin ang nagkakasakit sa kakakain ng sitsirya.
Pero alam n’yo ba na maraming puwedeng ngatain na may magandang epekto sa katawan?
Blueberry ang isa sa mga masarap at healthy na snack na dapat ay kinakain araw-araw para sa maraming benepisyo nito.
Ang isang tasa ng blueberry ay 80 calories lang at literal na walang fat.
Ang isang dakot naman nito ay sakto sa recommended daily fiber intake. Ang fiber ay nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na puso at magandang cholesterol level.
Maganda rin itong source ng manganese na importante sa bone development at pag-convert ng proteins, carbohydrates at fats para maging energy.
Ang isang serving din ng blueberry ay umaabot na ng 25% daily requirement ng vitamin C. Burp!