Hindi sekreto na ang paboritong goal ng maramin ngayong papalapit na holiday season ay magbawas sana ng diet. Pero napakaimposible lalo na kung sunud-sunod ang party kada-linggo.
Kailangan ay may alternatibong gawin para mapanatili ang weight management na hindi nasasakripisyo ang moment ng fun at masarap na kainan.
Maaari pa rin i-maintain ang healthy weight kahit sa kabila ng mga katakam-takam na pagkain sa mga handaan.
Ang maling practice lang ng ilan ay na nagpapagutom yung tipong maghapon as in nag-skip ng meal dahil ang iniisip ay kainan ang pupuntahan. Dapat ay hindi naman yung walang laman ang tiyan dahil masisira ang appetite o goal na mag-diet. Kaso ginugutom ang sarili sa magahapon na excited dumating sa party para lumamon. Kailangan ay busog kahit paano o nakakain na. Para pagdating sa party ay tama lamang na kumain ng snack na mayaman sa protina. Gaya ng fat-free na yogurt o slice na prutas. Malalaman na hindi na kailangan pa ng appetizer.
Kung pupunta sa party ay siguraduhin na busog para maiwasan na hindi masobrahan o mapasubo sa kainan at pagkatapos ay magsisi sa bandang huli. Yung feeling na nakokonsensya na nasira ang diet dahil natakam sa mga pagkain.