Proteksyon sa ego

Walang tao ang gustong mabigo. Ang basic na proteksyon ng tao sa kanyang ego na bakit nga ba inaaako ng responsabilidad kung takot na mabigo. At kung ayaw din mapuna kapag hindi nagustuhan o tanggap ng ibang tao ang magiging kahihinatnan. Ang tendency ay pinipi­ling walang gawin.

Lalo na pagdating sa mga maseselang isyu patungkol sa weight, relasyon, kung matagumpay ang career, kalusugan, naluging negosyo, at iba pa. Ang tendency ay nagsasara ng pinto para hindi maapektuhan ng mga external na events. Nilalagyan ng shield ang sarili sa mga puwedeng masamang bagay, pero maging sa mga posibleng magagandang pagkakataon. Paano matutong maging responsible kung hindi ilalagay ang sarili sa mga posisyon na dapat matutuhan. Tuloy sa pagtalikod ay pakiramdam na powerless na nagiging alipin ng sarili.  Hindi maiiwasan ang negatibong bagay, pero para rin ito sa ikatututo sa mga pagkakamali.

Show comments